Miyerkules, Setyembre 2, 2015

Bakit Ba Nagmamahal Ang Puso? - CHAPTER 1

CHAPTER [1]


Author's Note; Hindi po ako professional na writer. Actually, first time ko pong magsulat ng isang story. Kaya i-expect nyo na posibleng maraming error's. Kayo na po ang bahalang humusga sa akda kong ito. Maraming SALAMAT!
WATTPAD;

@CasirayanJunrey871


TWITTER;
@CasirayanJunrey

→→→→→→→→→→→→

Ako nga po pala si Erika Gomez Bermundo. 15 year's younger, hehe. At sa wakas magfo-fourth year na ako. Dalawa lang kaming magkapatid, ako at ang kuya Enzo ko. Uhm, yong papa ko ay... hmm, wala na sya. Namatay sya sa isang aksidente nitong nakaraang taon lang. Mahal na mahal namin si papa, sobrang bait kaya nun, pero nakakalungkot lang isipin na maaga syang binawi ni LORD sa amin. Sobrang sakit ng nangyari, grabe... sino ba namang anak ang gustong mawala ang mga magulang diba? Oo, pati mama ko wala na rin, pero hindi pa sya patay ha, hmmm.. lumandi eh, kaya ayon sumama sa lalaki nya. Ini-isip na lang namin ng kuya ko na wala na rin sya... na patay na sya, ang sakit lang eh. Iniwan na nga kami ni papa, tapos pati sya iniwanan din kami. Di man lang nya kami inisip ni kuya. Di man lang nya pinahalagahan yong nararamdaman naming mga anak nya. Iniwan nya na lang kami ng basta-basta, para lang sa lalaki nya.
Masakit man pero kailangan naming tanggapin ito. Kailangan naming magpakatatag at ipakitang kaya naming lampasan lahat ng hamon sa buhay. Lahat naman tayo ay may kanya-kanyang pagsubok eh, kailangan lang natin ng lakas ng loob para mapagtagumpayan ang mga ito.
Kahit kaming dalawa na lang ni kuya, nag-aaral pa rin naman kami. Sinusupurtahan kami ng kapatid ni papa, si tito Arthur. Sobrang bait nya, di maipagkakailangmagkapatid talaga sila ng papa ko. Sabi nga nya, kung gusto ba daw naming sa kanila na lang raw kami tumira. Pero ayaw ni kuya eh, ayaw kasing iwan ni kuya ang bahay namin. Yon na lang kasi ang na-iwang ala-ala ni papa sa amin. Kaya mas makakabuting dito na lang daw kami sa bahay. Sabagay, ang dami rin kasing masasayang ala-ala ang bahay na'to
Lagi kaming dumadalaw sa bahay nila tito Arthur, may lima kasi syang anak, na syempre sobrang mababait din, pero minsan mga pasaway din yong mga pinsan kong yon. Sina kuya Dave, kuya Dennis, kuya Andrei, si ate Lyka at yong bunso nila na sobrang close ko si Luke. Halos magka-edad lang kasi kami ni Luke sya 'yong pinakagawapo sa kanilang lahat as in. Gwapo rin naman 'yong mga kuya nya, pero mas at pinaka talaga sya, kung 'di ko nga lang sya pinsan, eh baka na-inlove na ako dun eh... at si ate Lyka sobrang ganda nya parang mga artista talaga 'yong mga pinsan namin ni kuya. Mapuputi silang lahat, mayaman kasi eh, edi WOW! Si Luke bestfriend ko sya, at dahil nga sa kagwapuhan nya, ang daming nagkaka-crush sa kanya, mapa-babae man o bakla. Kahit nga lalaki nababakla sa kagwapohan nya eh, at pati ang mga tomboy nagiging babae ulit. Oo, ganun ka lakas ang appeal ng pinsan ko na si Luke Andrew Bermundo. Classmate kasi kami since Grade 6 hanggang 3rdyear. Sana, magkaklase din kami ngayong pasukan na'to! Bestfriend ko sya tapos pinsan pa at sobrang close kami sa isa't-isa. May sekreto nga sya na ako lang ang nakaka-alam, sa'kin nya lang sinabi kasi pinagkakatiwalaan ako nun eh. Kung di nga lang nya sinabi yong sekreto nya baka na-inlove na ako sa kanya... Pero, hello as in hello, pinsan ko kaya yon at kahit alam ko na kung ano talaga sya, tanggap ko sya at mahal ko yong pinsan kong yon.
By the way... Yes! Finally!! Last year na ng High School. Katatapos ko lang magpa-enroll, next week na kasi ang pasukan. Ang daming nagpa-enroll, napagod tuloy ako sa mahaba-habang pila. Sobrang nakakapagod grabe!
Naglalakad-lakad ako nun papunta sa isang park na malapit lang sa school na pinag-enrollan ko. At agad lang akong umupo sa may bench sa ilalim ng malaking puno pagkarating ko sa park na yon. Haixxt, pahinga din pag may time. 1pm na, buti na lang hindi na ma-init ang sikat ng araw. Opp'ss, nagugutom na ako, pero nakalimutan kong magdala ng pera. (→ayt, kung di ka ba naman tanga!). Che! Tumahimik ka nga dyan Author, ikaw ang nagsusulat ng story na'to, kaya mas tanga ka! (→ah, ganun?). Yeah, ganun talaga. (→umayos-ayos ka dyan Erika ha, kung ayaw mong patayin kita sa story na'to.). Edi gawin mo. (→sure ka?). Sure na sure, yeah as in yeah. (→talaga? hindi ako nagbibiro.). Ah.. eh, joke lang Author, hindi ka na mabiro. Eto naman oh, kasisimula pa nga lang ng Chapter 1, tapos gusto mo na agad akong paglamayan. (→kaya nga umayos ka dyan!). Oo na, Oo na!
Nasa ganun akong kabaliwan ng biglang may tumabi sa'kin. Agad naman akong napalingon sa kanya at shitt lang. Ang gwapo ng kumag, tingin ko magka-edad lang kami, o kaya naman mas matanda sya ng kunti sa'kin. Grabe, ang pogi talaga nya! Nasa ganun ulit akong kahibangan ng nagsalita sya.
''Hi.'' saad lang nya, sasagot na sana ako sa 'hi' nya, ngunit nagtanong sya. ''Do you have any companion?''
Pakshett!! English speaking pala ang kumag. Pero infairness ang gwapong kumag nya ha, at ang ganda ng accent ng english nya, mukhang sana'y sa english. At sinagot ko naman ang tanong nya, at english din ang sagot ko ha. English speaking ang kumag eh, edi syempre, mag-ienglish na rin ako, bahala na kahit dumugo pa ang ilong ko.. Haha! At eto na nga ang naging sagot ko.
''uhm, actually, I'm alone, just relaxing.'' tugon ko sa tanong nya.
At napansin ko na lang na may nakatutok na pala sa tagiliran ko. Shitt! Isang ice pick. Tang-ina, mukhang katapusan ko na yata to. LORD help me! Please help me! Author help!! Alam ko ikaw ang may pakana nito. Grabe sobrang amo ng mukha ng kumag, pero may sa demonyo pala. Mukha naman syang mayaman sa suot nya, tapos killer pala? God! Nanginginig ako sa takot nun sa kung ano ang posibleng mangyare, at tila gusto ng tumulo ng luha ko. At bigla syang nagsalita.
''Give me what you have on your pocket or I will bury this damn ice pick into your flesh!'' saad nya.
Kinakabahan talaga ako sobra, baka huling araw ko na'to dito sa mundo. At pinanindigan talaga nya ang pag-ienglish ha. Putrages na hold-upper to, english speaking pa! At dahil nga na-ubos na ang power ko sa pag-i-english, nag tagalog na lang ako, haha.
''Pasensya na po, pero wala po akong maibibigay na kahit na ano.'' mangiyak-ngiyak na saad ko. Grabe di ko na talaga napigilan ang pagtulo ng luha ko. Akala ko papatayin nya na ako, ngunit bigla na lang syang ngumiti at tumuwa.
''Hahaha! Hey, I'm Carl Mendoza. And you are?''
''ah,, eh...'' nalilitong sambit ko, syempre naguguluhan pa rin ako sa inasta nya. Ano to? Manghohold-up na nga lang, magpapakilala pa? May sayad ba sya? O, baka naman nakasinghot lang ng katol?
''Sorry... I'm just kidding.'' natatawang saad nya. Gago pala to eh, hindi nakakatuwang biro yon ah.
Halos himatayin na nga ako at may paiyak-iyak pa, tapos sasabihin nyang nagbibiro lang sya? Gwapo nga mukhang may topak naman. Agad lang akong tumayo at tinarayan sya.
''Hoy, Mr. .... ahm, ano nga ulit ang pangalan mo?'' tanong ko.
''Carl, Carl Mendoza.'' tugon nya.
''Hoy, Mr. WHATEVER! epal ka rin nuh? tingin mo ba maganda yong pagbibiro mo? Eh, muntikan na nga akong himatayin sa sobrang kaba at takot, tapos sasabihin mong nagbibiro ka lang? Pa-uso ka rin nuh?'' inis na saad ko.
''I said sorry, please forgive me.'' pagsusumamo nya. Agad ko lang syang sinampal sa may pisnge nya. (→malamang, kaya nga sampal diba? May sampal bang sa tiyan? Natural sa pisnge talaga!). Tumahimik ka nga dyan Author. Wag kang 'KJ', epal ka rin eh! Ikaw ang may kasalanan nito eh.
''Why?'' gulat na tanong ng kumag sa di ina-asahang paglanding ng palad ko sa pisnge nya.
''Ay sorry din Mr. WHATEVER ha, nagbibiro lang din ako! Gusto mo ng isa pa?'' sarkastikong saad ko. Natigilan naman sya at napangiti bigla. ''At bakit ka nakangiti? Gusto mo ng isa pa?''
''You know you're so beautiful even if you are mad. What more if I see your face smiling.'' nakangiting saad nya.
Shitt, ang cute nya sa smile na yon, parang nagliwanag bigla ang langit, parang nawala tuloy ang pagkagutom ko, nakaka-inlove ang ngiti nya, haha. Ayt, galit nga pala ako sa kanya.
''Hoy, wala akong panahong makipaglandian sa'yo.. Che!'' saad ko lang at agad na umalis ng hindi man lang sya nilingon.
Narinig ko naman yong pagsigaw nya.
''Ms.'' napahinto naman ako sa paglalakad, pero di ko pa rin sya nilingon. ''What is your name?'' tanong nya, ngunit di ko na ito sinagot pa. Asa sya!
Itinuloy ko lang yong paglalakad, akala nya maganda yong biro nya, hello as in hello, HINDI YON NAKAKATUWA!
Agad lang akong pumara ng isang tricycle at sumakay. Pagdating ko sa bahay, agad lang din akong nahiga sa sofa sa may sala. 'AHH!' sigaw ko. Akala ko talaga katapusan ko na kanina, bweset na lalaking yon. Ako pa talaga ang pinagtripan nya? Shitt sya! Ipagdasal nya na lang na hindi na kami magkita pang muli, dahil hindi lang sampal ang aabutin nya sa'kin pagnagkataong magkasalubong pang muli ang landas namin. MAPAPATAY ko talaga sya! (→bakit? kaya mo?). Syempre joke lang Author nuh. Hindi ko kayang pumatay ng tao nuh, kahit nga ipis takot ako... pumatay pa kaya ng tao? (→ayt, pareho pala tayong takot sa ipis.. haha).
Natigil lang ako sa pagmumuni-muni ng biglang bumukas ang pinto. ''Kuya.'' excited na saad ko, saan kayo to galing.
''oh, kumusta ang lakad?'' tanong nya.
''BADTRIP.'' maikling tugon ko.
''Bakit naman?'' kunot noong tanong nito, halatang naguguluhan sa naging sagot ko.
''Ah, wala.'' pag-aalibi ko na lang. Hello kilala ko tong kuya ko nuh, hello as in hello KILALANG-KILALA!
Sobrang higpit nyan sakin, sigurado pagbabawalan nya akong lumabas mag-isa pag nalaman nyang pinagtripan ako ng isang pekeng english speaking na hold-upper. Napaka over-protective niya sakin, promise. ''Kuya, kumain ka na ba?'' pag-iiba ko sa topic.
''Hindi pa nga eh, bakit nagluto ka ba?'' natawa naman ako.
''Ah,,,, eh.'' natatawang saad ko.
''Yun lang!'' saad nya.
''Hihi, kuya sa labas na lang tayo kumain.''
''Game.'' tugon nya. At agad naman kaming umalis ng bahay.
Lagi kaming nag-aasaran ni kuya, pero mahal na mahal ko 'yon, at alam ko mahal na mahal nya rin ako. Kahit dalawa na lang kami ng kuya Enzo ko, ayos lang! Basta ba, magkasama naming haharapin ang bawat pagsubok! Sya na lang ang natitira sa'kin, so sino pa ba ang magdadamayan? Edi, kami-kami lang din.
Matapos naming kumain ni kuya sa isang carenderia agad lang kaming umuwi. Hindi naman kami mayaman, kaya sa isang carenderia lang kami kumain. Tipid tipid din pag may time, saka masarap naman ang mga pagkain dun eh. Ayaw din naman naming maging pabigat kay tito Arthur nuh. Oo, siguro nga may kaya sila sa buhay, pero tama na yong pinag-aaral nya kami ni kuya nuh... sobra-sobra na nga yon eh.
Nang nasa bahay na kami ni kuya, nagkwentuhan lang kami tungkol sa kinahinatnan ng lakad nya. At ng ako naman ang tinanong nya kung kumusta rin daw yong lakad ko, at kung bakit badtrip. Syempre, change topic agad nuh, haha! Bahala sya sa buhay nya, wala akong sasabihin.. hindi ko sasabihin sa kanya nuh, as in NEVER!
''Ang daya mo Ms. Erika Gomez Bermundo ha.''
''At anong madaya dun Mr. Enzo Gomez Bermundo?''


''Ano ba talaga kasi ang nangyari sa lakad mo ha? Bakit badtrip?''

''Wala nga, ang kulit.'' pagmamaktol ko.
''Edi sige, wala na kung wala.'' saad nya. hay buti naman at napaki-usapan din.. haha!
''Ikaw kuya, anong pangalan nung sinasabi mong girl?''
''Marian.'' maikling tugon nya.
''Marian? as in MARIAN RIVERA?'' pagbibiro ko pa.
''Tange!'' saad nya, sabay batok sa'kin.
''Aray kuya, ang sakit nun, ah!''
''Marian Alcantara daw eh, alam mo Erika sobrang ganda nya grabe.''
''Ow'ss?''
''Oo nga.'' tugon nya.
''Edi wow,'' saad ko na lang.
''Anong wow?'' haixxt, ang slow nya grabe, haha.
''aixxt, kuya ina-antok na ako... tara matulog na tayo.''
''Ma-una ka na, marami pa akong gagawin eh.'' saad nya, at agad lang akong umakyat sa taas at tumuloy sa kwarto ko.
Kinabukasan, nagising lang ako sa ma-ingay na alarm clock. Haixxt, 7am na.. buti na lang next week pa ang pasukan, panigurado lagi na naman akong male-late nito, haha.
''Erika, kain na.'' sigaw ni kuya sa pinto ng kwarto ko.
''Sige kuya, sandali lang.'' agad naman akong bumalikwas sa pagkakahiga at nagtungo sa banyo, naghilamos at nag toothbrush. Sabay lang kami ni kuya na kumain at ng matapos ang kainan, hinugusan ko lang ang pinag-kainan namin. Pagkatapos nanood lang kami ng TV, at syempre di mawawala ang kulitan at asaran. Itong kuya ko, kahit magsesecond year college na, isip bata pa rin. Haha! Bleh!!
tongue emoticon
→→→→→→→→→→→→

To Be CONTINUED



facebook
comments



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento