→→→→→→→→→→→→
Ilang araw pa ang lumipas at... at yun nga, pasukan na. WOAH, grabe di halatang sobrang excited ako sa unang araw ng klase ah, haha. Mukhang ako pa yata ang unang nagising sa kuya ko. Haha, 5am pa lang gising na ako, na-unahan ko pa yata sa paggising ang mga lamok, LOL! Yung kuya ko 1pm pa ang klase, kaya sigurado tanghali pa magigising 'yon.
Pagkatapos kong magluto, mabilis lang akong naligo.. At kumain ako ng singbilis pa ng alas kwatro, at hinugasan ko lang ang mga pinggan na pinagkainan ko. Yeah, ready na ako.. Haixxt, basa pa ang buhok ko, pero bahala na.. Smooth and Silky parin naman to mamaya eh, haha.
Paghinto ng sinasakyan kong tricycle sa school ay agad lang akong nagbayad at bumaba. Buti na lang hindi ako late ngayon. First time ko yata na hindi ma-late sa unang araw ng klase. Yeah! Lol. At ipinagmamalaki ko pa talaga yon, haha.
Papasok na sana ako sa may gate ng school ng may narinig akong isang pamilyar na boses sa likuran ko at nagtatawanan sila ng kasama nya. Lilingunin ko na sana sila ng biglang tumabi yong isa sa'kin. Shitt!! ito na naman, hoy Author wag mong sabihing may ice pick na naman tong dala ha. (→hoy ka rin, wag kang OA).
''Hi.'' saad ng lalaking tumabi sakin, confirm sya nga.. Ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad, at sinasabayan naman nya ako. Kaya mas binilisan ko pa ngunit pursigido talaga ang kumag na maka-usap ako.
''Hi again.'' saad nya ulit. At huminto na nga ako sa paglalakad, sabay tingin sa kanya.
''BAKIT?'' tanong ko. Baka masampal ko ulit tong lalaking to, please pigilan nyo ako. Shitt dito rin sya mag-aaral sa school na to? Bweset!
''What did you say your name was again?'' shett, eto na nga ba ang sinasabi ko, kaya ayoko na syang makita ulit dahil alam kong paduduguin na naman nya ang ilong ko sa pag-ienglish nya. Pero bahala na! Mag-iisang linggo narin ng huli kaming magkita, kaya nakapag-ipon na ako ng kunting English words sa utak ko, haha.. gagamitin ko na muna to.
''I didn't tell you my name yet.'' tugon ko sa tanong nya.
''Oh, I see. So what is it?''
''Sorry, but I don't talk to stranger's.'' sarkastikong saad ko. haha, pero ang totoo nag-usap na kami dati, at ngayon nag-uusap na naman kami. Tapos ngayon sasabihin kong I don't talk to strangers, ay tanga, haha. Bahala na!
''Carl, here.'' nakangiting saad nya sabay abot ng kamay nya para makipagshakehands, ngunit di ko ito tinanggap, ASA sya!
''What made you think that I'm interested with you?'' mataray na saad ko, haha, nahawa na rin yata ako sa pag-ienglish nya, lol.
''You said that you don't talk to stranger's, so I presumed that if I tell you my name, I wouldn't be a stranger anymore.'' seryosong saad niya.
''Have we met before?'' tanong ko kunyari na hindi na-aalala ang ginawa nya sa'kin sa park.
''Yup, actually.. I've already introduce myself to you last time. And... hmm, I'm really sorry for what happend and for what I did. I'm begging for your forgiveness.'' saad nya... shitt talaga, nosebleed na ako sobra... pwede tagalog na lang? Isa pang english ng kumag na to sisipain ko na talaga sya. Haha!
''Marunong ka naman sigurong magtagalog diba?'' inis na tanong ko.
''Yeah, why?''
''Hoy, Mr. WHATEVER, binabalak mo ba talagang dumugo ang ilong ko ha? Nakakanosebleed ka na masyado.'' saad ko, kita ko naman na napangiti sya.
Kaya napangiti na rin ako. Grabe ang cute nya dun sa smile nyang yon, SUPER!
''Hehe, pasensya na... nasana'y lang kasi.'' nakangiting tugon nya, shitt, ayan na naman sya sa ngiti nya, nagliliwanag talaga ang langit pag ngumingiti sya.
Natigilan lang ako ng ma-alalang may pasok pa pala ako. Patay! Mukhang male-late talaga ako, bwiset kasi tong kumag na'to eh.
''Aalis na ako, late na yata ako eh.'' pagpapa-alam ko.
''Sige, ingat! Sorry ulit ha.'' hay, buti naman at wala ng english haha. Ayokong dumugo ang ilong ko nuh. Lol! ''Ano nga uli ang pangalan mo?'' tanong nya, ngunit di ko na naman sya sinagot. Haha! Magdusa ka. At mabilis na nga akong kumaripas ng takbo.
Pagkarating ko sa classroom, nandun na ang teacher namin, at mukha naman syang mabait eh, kaya sigurado hindi ako mapapagalitan. Mabait nga ba tong guro na'to? Sana! Agad lang akong pumasok at umupo sa may bakanteng upuan.
Habang busy si Ma'am, bigla namang dumating si Carl na hingal na hingal, hindi naman sya mukhang kabayo pero mukhang galing sya sa isang karera, haha. Shitt, kung ganun magkaklase kami? Author naman oh! Agad lang syang pumasok, at napapalingon sa paghahanap ng bakanteng silya, at ng magtama ang aming mga tingin, bigla na lang syang napangiti at dumeretso sa bakanting upuan sa tabi ko at na-upo. Shitt, natatakot talaga ako pag ganito, baka may ice pick na naman syang dala. Lol!
''Okey class, my name is Mrs. Beatriz Cruz but you can call me Mrs. Cruz. I hope you're aware that I'm an english teacher. Okey, let's start by introducing your selve's here in the front.'' saad ng guro namin, hay buhay, english teacher namin sya, ang malas naman oh, sa dinami-rami ng subjects english pa talaga ang ma-uuna. At isa-isa na ngang tinawag ni Mrs. Cruz ang mga pangalan namin upang magpakilala sa harapan. Unang nagpakilala yong isang matangkad na lalaki sa harapan.
''Hello classmates, I'm Mark Alcantara. I'm single. And that's all.'' may hitsura din sya at single daw, kaya yong mga babae nagsitilian agad, pero ako dedma lang, nasa tabi ko kaya ang... ang... hmm basta! Ang lalandi nila grabe!
Yong isang matangkad at maputi at gwapong lalaki na naman ang nagsalita.
''Hi, I'm Jerome Monforte.'' at yon lang ang sinabi nya, umupo ulit sa upuan nya malapit sa may bintana. Mukhang wala yata syang gana sa klase. Pero kahit ganun, nagtilian pa rin ang mga malalandi kong kaklase, syempre may ma-ipagmamalaki din naman kasi si Jerome.
At nung si Carl na ang nagsalita sa harapan dun na sumabog ang mga kababaihan sa klase, knikilig sila grabe. Pero hindi na ako nakitili nuh, ayokong isipin nya na crush ko sya... opps, crush agad? haha! Ayt wala akong sinabi, binabawi ko na yon.. Hindi ko sya crush nuh, ASA sya!
''Hi everyone, my name is Carl Mendoza. 16 years of age. I'm single and very much available. Hehe! People usually think's I'm a very serious person. But that's only because they don't see the other fun side's of me. I'm from the big city and I'm a transferee. I hope to find a good friends here. I believe in saying; KEEP OFF THE GRASS.'' natatawang pagpapakilala ni Carl, nagtawanan naman kaming lahat sa motto nya, at pati ang teacher namin nakitawa na rin... haha, ano kaya yon? Para syang ewan. Umupo naman saya sa upuan nya na nasa tabi ko lang naman, at natatawa rin sya. Grabe palabiro pala sya... 'keep off the grass', daw.. haha!
At ako naman ang nagpakilala sa lahat, syempre, english subject to nuh, kaya sigurado.... nosebleed ang kalalabasan ko nito.
''Ah.... eh, uhmm, my name is Erika Gomez Bermundo. 15years younger... and.... hmm, that's all, thank you!'' shitt, para akong tanga sa sinabi ko, bweset! Kaya ayoko ng english eh, haha. Bweset din yang Carl na yan, sya ang dahilan kung bakit na-ubos ang natitirang english sa utak ko, haha. Kita ko naman yong tawanan ng mga classmates ko at mas malakas pa ang kay Carl.. ''Grabe kung makatawa sya ha, may pa 'keep off the grass' pa nga syang nalalaman eh.'' sa isip ko lang.
''Nice one.'' saad ni Carl pag-upo ko. Nang-aasar ba sya? Pero nginitian ko lang sya, hello as in hello, hindi naman kami ganun ka close nuh. At saka may kasalanan pa siya sa'kin. ''So your name is Erika? What a nice name!'' dagdag na saad nya. Pero di ko parin sya pinapansin, haha para tuloy syang timang.
Grabe napanganga naman ako ng makita yong napakagandang babae sa harapan. Wow, ang lupet nya.. nakaka-insicure yong ganda nya.
''Hey, Angela de la Vega here. 15years much younger. I'm single, never been kissed and never been touched! Yup, I'm a horny virgin WITHOUT EXPERIENCE! But I'm no longer available. Lol!!'' natatawang saad nya, single daw sya pero no longer available, merun ba nun? wow ang kulit din nya ha! Buti na lang mabait pala si Mrs. Cruz, at nakikitawa pa sa mga kabaliwan ng mga studyante nya.
Nang matapos ang klase iksaktong 12pm na, hahay, nakakagutom pumunta lang ako sa canteen para maglunch... ng may umkabay sa'kin, shett ano na naman to Author? Ice pick na naman? (→wag ka ngang praning).
''I'm Angela and you're Erika right?'' tumango lang ako. ''Can we please be friends?'' saad nya, hay buhay magtagalog ka naman oh, haha.
''Okey ba... bakit hindi?'' nakangiting tugon ko sa sinabi nya.
''Sabay na tayong maglunch?'' pag-aaya nya, buti naman at hindi na siya nag-english. At yon nga sabay lang kaming umorder at sabay na ring kumain. Nagkwentuhan kami, at ang dami naming napagkwentuhan,mabait naman pala siya, sobra. At dun nagsimula ang friendship namin ni Angela, kaya nakwento ko na rin sa kanya yong nangyari sakin, last week. Haha, grabe di ko nasabi kay kuya pero sa kanya walang pagdadalawang isip at sinabi ko ka agad. Hiningi naman nya ang number ko at binigay nya rin yong sa kanya. Sinabi ko pa nga na wag nyang ipamigay ang number ko. Tapos bumalik na kami sa klase ni Angela ng sabay. Si Carl? heto mukhang langaw lang sa tabi ko, nagpapapansin sa'kin, pero di ko talaga sya pinapansin. MANIGAS KA! Haha!
3pm na nun ng pinakawalan kami ng guro namin. Habang pa-uwi ako, napansin ko si Carl na sinusundan ako, kaya tumigil ako sa paglalakad.
''Anong kailangan mo?'' sigaw ko sa kanya, dali-dali naman syang tumakbo papalapit sa'kin. ''Ba't mo ako sinusundan?'' tanong ko agad ng makalapit na sya.
''Hi Erika, uhm.. pwede ba tayong maging magkaibigan?'' sambit nya.
''Di ba sinabi ko naman sa'yo na hindi ako interesado.'' mataray na saad ko.
''Hey, look Erika. I'm just here offering friendship.'' saad niya, aixxt ayan na naman sya sa kaka-english nya.
''Oh, sorry Carl, but I have enough collection's of friend's. As of now, I don't want to add some more!'' pagtataray ko pa, syempre, english speaking na rin ako, haha.
''Are you still angry to me?'' tanong niya.
''What do you think?'' nagkibit naman sya ng balikat.
''Hmm, what do you want me to do, for you to forgive me?'' tanong nya.
''Stay away from me and LEAVE ME ALONE!'' sigaw ko sa kanya, teka, nahawa na yata talaga ako sa kaka-english ng kumag... haha!
''But I can't do that.'' saad nya lang.
''Why?'' tanong ko.
''I know we're too young and it's too early to say this, but I think you're the one.'' natigilan naman ako sa sinabi nya..... pero sandali, mukhang pinagtritripan na naman yata ako ng kumag na'to ah.
''What do you mean?'' naguguluhang tanong ko.
''The first day we met, my heart tell's it's you. The first time I saw you, my heart beat so loud. And now, I can't deny it. I can't hide my feeling's to you. I don't know why and how, it's just came up from nowhere and now I think I'm fallen for you. Erika, I'm inlove with you.'' nakangiting saad nya, grabe... seryoso ba sya dun? Ang bilis naman nya.
''ERIKA.'' isang malakas na sigaw galing sa di kalayuan, ng tingnan ko ito, si Luke pala, ang pinsan ko.
''Carl, I need to go.'' tumango naman sya at agad lang akong pumunta sa kinaroruonan ni Luke. At narinig ko pa ang sigaw ni Carl.
''Erika, I'm serious for what I've said. I mean it.'' ngunit di ko na ito pinansin pa. Baka sabihin na naman nyang nagbibiro lang sya. Pero sa totoo lang kinilig ako dun, oh my G!
''Sino yon?'' tanong ka-agad ni Luke.
''Classmate ko lang, si Carl.'' sagot ko naman.
''Mukhang ang sweet nyo kanina ah.'' saad nya na may nakakalokong ngiti.
''Tumigil ka nga Luke. Nang-aasar lang yon sa'kin.''
''Weh.'' pang-aasar ni Luke sa'kin.
''Sayang nuh, hindi tayo magkaklase.'' saad ko.
''Uy, change topic.'' nakangiting saad nya.
''Gago ka insan ah.'' inis na saad ko.
''Joke lang, magkatabi lang naman yong classroom natin eh, hayaan mo na.''
''Sabagay.'' saad ko. ''Sino kasama mo pa-uwi Luke?'' tanong ko.
''Wala nga Erika eh, sabay na lang tayo?''
''Sige ba.'' nakita ko naman si Angela sa di kalayuan na kumakaway-kawaysa'kin, kumaway na rin ako sa kanya at agad lang kaming pumasok ni Luke sa sasakyan nila. Pinaandar naman to ng driver nila. Syempre dahil bestfriend ko tong pinsan ko, nasabi ko rin ang nangyari sa'kin sa park last week, at grabe.. tawa sya ng tawa, nagsisisi tuloy ako na sinabi ko pa sa kanya, haha. Inihatid lang nila ako sa bahay, gusto pa sana ni Luke na dumaan ako sa kanila, pero sinabi ko na marami pa akong gagawin.
'' Sige Luke ingat.'' pagpapa-alam ko sabay baba sa sasakyan.
''Bye Erika.'' pagpapa-alam din nya, sabay kindat sa'kin at umalis na nga ang sasakyan nila.
Maaga lang akong natulog nun pagkatapos kung gawin lahat ng gawain sa bahay. Wala pa rin naman si kuya, may pasok pa, 9pm pa siya uuwi, alam nyo na.. buhay collage, sobrang busy nya. Di ko na namalayan ang pagdating ni kuya, siguro ang himbing-himbingng tulog ko. Ginising lang ulit ako ng ma-ingay kong alarm clock. Okey, mukhang masasanay na talaga ako na gumising ng maaga, mabilis lang akong naligo, nagsipilyo, nagluto at kumain ng agahan. Di ko na ginising pa si kuya, sigurado pagod yon.
→→→→→→→→→→→→




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento