Miyerkules, Setyembre 2, 2015

Bakit Ba Nagmamahal Ang Puso? - CHAPTER 7


CHAPTER [7]



WATTPAD;
@CasirayanJunrey871

TWITTER;
@CasirayanJunrey

→→→→→→→→→→→→

Ma-aga akong nagising, yeah may pasok na naman kasi eh. Pagkatapos kung gawin lahat ng dapat gawin sa umagang yon, nagpa-alam na ako kay kuya na papasok na ako. Buti naman at maaga rin syang nagising, haha.
Dali-dali lang akong sumakay ng tricycle at ng makarating sa school, nakita ko lang sa may gate si... ang... BOYFRIEND kong si Carl, yeah finally kami na, OFFICIALLY! First day namin to na magkasama sa klase bilang magsyota. Agad lang akong bumaba at nagbayad sa tricycle na sinasakyan ko at pumunta sa kinaroroonan ng mala anghel na nakangiting si Carl.
''Good morning babe.'' saad nyang may abot tengang ngiti, sabay akbay sa'kin.
''Same to you, ... babe!'' nahihiyang saad ko, at mabilis lang kaming nakarating sa classroom.
Sa tanghali sabay lang ulit kaming naglunch nila Angela, Mark at yeah, di mawawala si Carl nuh, nilibre nya pa nga kaming tatlo eh. Sinabi na rin namin sa kanila ang relasyon namin, at si Angela.... sus kung makatili ang gaga, WAGAS! Si Jerome naman halos di na nakakasama sa'min dahil lagi silang magkasama ng pinsan kong si Luke.
Pagkatapos ng klase 3pm na, dumaan lang kami ni Carl sa park para magpahinga at magpahangin na rin. Papalapit na sana kami dun sa dati naming pwesto sa isang bench na nasa ilalim ng malaking puno, ngunit napahinto kami kasi may isang lalaking naka-upo doon. May hawak-hawak syang gitara. Ilang minuto pa kaming nakatayo lang ni Carl, maya-maya mabilis namang lumapit si Carl sa lalaking yon at sumunod naman ako sa kanya. Napatingin naman yong lalaki sa'min. WOW, ang cute nya. (→cute dadtow) Author maniwala ka sa'kin. Cute talaga sya, hehe.
''Hi.'' saad ko sa lalaking yon.
''Hi din.'' tanging sagot nya.
''Tol, marunong kang kumanta?'' tanong ni Carl sa lalaki, tumango naman ito.
''I'm Carl Mendoza and she is my girlfriend Erika Gomez Bermundo.'' pagpapakilala ni Carl sabay lahad ng kamay nya dun sa cute na lalaki.
''uhm... I'm Junrey, Junrey Casirayan, nice to meet you. Bagay na bagay kayong dalawa!'' nakangiting saad nung lalaki at inabot naman nya ang nakalahad na kamay ni Carl at nag shakehands sila.
Teka, teka... magkapangalan sila ng Author ng story na ito? Ah, baka naman nagkataon lang. (→hoy Erika AKO man jud na! ...ay bisaya, okey uulitin ko, hoy Erika AKO talaga yan!) Weh? (→da oy, ayawg too, haha.. bisaya lang yafun!) Seryoso ka Author? Ikaw ba talaga tong lalaking to? (→Oo nga!) Edi WOW!
''Tol, pwede mo ba kaming kantahan ng girlfrieand ko? Sige na, magbabayad ako kahit magkano.'' saad ni Carl dun kay Junrey na kapangalan ng Author ng kwentong 'to.
''Sige ba.'' tugon pa nito.
''Sige upo lang kami ha.'' saad ko, umupo naman kami ni Carl sa may damuhan paharap kay Junrey na naka-upo sa bench.
''Uhmm, anong kanta nga pala?'' tanong pa ni Junrey.
''Thinking Out Loud... By; Ed Sheeran, uhmm alam mo ba yon?'' saad ni Carl. Tumango naman si Junrey at nagsimula ng tumipa sa gitara nya.

♫ '' 'Thinking Out Loud' - LYRICS '' ♫♪♪
By; Ed Sheeran
VERSE 1;
♫ When your legs don't work like they used to before. ♫♪
♪ And I can't sweep you off of your feet. ♪
♪ Will your eye's still smile from your cheek's? ♫♫
♫ Will your mouth still remember the taste of my love? ♫
REFRAIN 1;
♪ And darlin' I will be lovin' you till we're 70. ♪♫
♫ And baby my heart ( HEART heart emoticon ) could still fall as hard at 23! ♪♪♫
PRE-CHORUS 1;
♫ And I'm thinkin' 'bout how people fall inlove in mysterious way's. ♪
♪ Maybe just the touch of a hand! ♫♫♪
♪ And I just wanna tell you I am. ♪♫
♪ Well, me I fall inlove with you every single day! ♫♫
CHORUS;
♪ So honey now, take me into your lovin' arm's. ♫♫
♪ Kiss me under the light of a thousand star's! ♪♫♫
♪ Place your head on my beatin' heart. ♪
♫ I'm thinkin' out loud, maybe we found love right where we are! ♫♪
VERSE 2;
♪ When my hair's all but gone and my memory fade's. ♫
♫ And the crowd's don't remember my name. ♪♪♫
♫ When my hand's don't play the string's the same way. ♪♪
♫ Mmm... I know you will still love me the same! ♫
REFRAIN 2;
♪ 'Cause honey your soul could never grow old, it's ever green! ♪♫
♫ And baby your smile's forever in my mind and memory! ♪
PRE-CHORUS 2;
♪ I'm thinkin' 'bout how people fall inlove in mysterious way's. ♫♫
♪ Maybe it's all part of a plan! ♪
♪ Hopin' that you'll understand! ♪
♫ Well, I'll just keep on makin' the same mistake's. ♫
CHORUS;
♫ But baby now, take me into your lovin' arm's. ♪♫♫
♪ Kiss me under the light's of a thousand star's. ♪
♫ I'm thinkin' out loud, that maybe we found love right where we are! ♪♪
♫ Place your head on my beatin' heart! ♫♪
La la la la la la la la laa... ♫♫
CHORUS;
♪ So baby now, take me into your lovin' arm's. ♪♫
♫ Kiss me under the light of a thousand star's! ♪
♪ Oh, darlin' place your head on my beatin' heart. ♫♫
♪ I'm thinkin' out loud, that maybe we found love right where we are! ♪♫
♫ Oh baby, we found love right where we are! ♪♪
♫ And we found love right where we are! ♫
Habang kumakanta sya, nararamdaman ko na galing sa puso yong pagkanta nya, grabe ang ganda ng boses nya, SUPER! (→weh? Basin buret?) Oo nga Author, maniwala ka. (→well, thank you!)
Habang patuloy si Junrey sa pagkanta at pagtipa sa gitara nya, naka-akbay lang si Carl sa'kin at dinadama namin ang bawat lyric's ng kanta, nakakakilig yong boses nya, pati yong kinanta nya, wow.
Nang matapos na syang kumanta ay pinalakpakan namin sya at nag-pasalamat kami sa kanya.
''Junrey... Salamat ha, grabe ang ganda ng boses mo.'' manghang saad ko.
''Oo nga tol, magaling ka palang kumanta.'' saad din ni Carl kay Junrey.
''Salamat din.'' nakangiting saad ni Junrey. ''Sige ma-una na ako, may lakad pa kasi ako eh.'' dagdag na saad nito, saka nagmamadaling umalis dala-dala ang gitara nya.
''Maraming salamat talaga.'' sabay naming sigaw ni Carl ng makalayo na ito.
''Ang ganda ng boses nya nuh?'' kinikilig na saad ko kay Carl.
''Oo nga eh, sayang di ko nakuha ang cp number nya.'' saad ni Carl, kumunot naman yong noo ko.
''Bakit naman?'' tanong ko na lang.
''Para may Contact ako sa kanya, ang ganda kasi ng boses nya. Gusto ko sya yong kakanta sa kasal natin.'' seryosong saad nito. Wow, kinilig naman ako dun sa sinabi nya, hehe.
''Grabe, kasal agad?'' saad ko na lang.
''Naman.'' tugon nya sabay bitiw ng nakaka-inlove na ngiti at may pataas-taas pa ng kilay. Haixxtt, parang hihimatayin na ako sa sobrang kilig!
''May FACEBOOK naman siguro yon diba? Research na lang natin 'yong name nya.'' saad ko pa kay Carl, aixxt ba't kasi di binigay ni Junrey yong number nya eh. (→oh, ito Erika.. 09393006929/09364923871 text2x na lang, haha) Salamat Author!
''Tara na nga, uwi na tayo.'' saad ko pa kay Carl.
''Erika, I Love You!'' sambit nya habang naka-akbay sa'kin.
''I Love You Too Carl!'' tugon ko sa kanya.
''I Love You 3, babe.'' saad pa niya, haha ano kaya yon?
''I Love You 4 babe.'' saad ko rin, kita ko lang na kumunot ang noo nya.
''Anong I Love You 4?'' kunot noong tanong nya.
''4.'' maikling tugon ko.
''Ano nga yong 4?'' tanong naman nya.
''4.... FOREVER!'' nakangiting saad ko, natawa naman sya.
''Ang korni mo.'' natatawang saad nya, at naglakad na nga kami.
Pagkatapos nun, hinatid nya lang ako sa bahay! Buti na lang may pasok si kuya ngayon, haha.
Isang araw kumakain kami ni Carl nun sa canteen, lunch time na kasi. Bigla na lang dumating si Mark at Angela na... na magkaholding hands?
Wait, sila? Sila na? Wow, mukhang bagay na bagay sila! Nang makalapit na sila, agad lang silang umupo sa harap namin na parehong nakangiti.
''Angela, kayo na?'' tanong ko dito. Tumango naman sya sabay tapak ng paa ko na nasa ilalim ng mesa. Ang sakit nun ah. Sus, nahiya pa tong gagang to, haha.
''Pinsan, may lovelife na rin ako.'' nakangiting saad ni Mark kay Carl.
''Congrat's pinsan.'' masayang saad ni Carl.
''Grabe bagay na bagay kayo, Angela kailan pa naging kayo?'' kinikilig na saad ko. At kinwento na nga nila, nalaman lang namin ni Carl na mag-iisang linggo na pala sila. Haha, halos busy na kasi kami sa mga kanya-kanya naming lovelife eh, kaya ngayon lang ulit kami nakapagbonding,nakapagkwentuhan at nakapagdouble date, hehe. Oo, classmates lang kami, pero nag-aaral kami sa school nuh, kaya walang time sa tsismis, haha, baka mapagalitan pa kami ng teacher namin.
Habang patapos na kaming kumain, nakita ko lang yong pinsan kong si Luke, at yong bestfriend nyang si Jerome at... yong isang magandang babaeng kasama nila at yong isa pang cute na lalaki na... uhm, teka... yong lalaking kinantahan kami ni Carl? Si Junrey? Masaya silang kumakain at nag-uusap sa kabilang mesa. Magkakilala pala sila ng pinsan kong si Luke? At mukhang magkaklase sila ah, what a coincidence.
Lumipas pa ang mga araw at mas lalo kaming naging sweet ni Carl sa isa't-isa. Syempre, na-ipakilala ko na sya kay kuya at okey naman sila, magkasundong-magkasundo pa nga ang dalawang kumag, haha.
Nasa isang mall kami ni Carl nun, namimili ng mga kung ano-ano. Pagkatapos naming mamili, na-isipan lang naming kumain muna sa isang fast food chain sa loob ng mall na yon. Haixxt, sobrang saya lang yong nararamdaman ko pag kasama ko sya. Walang mapagsidlan yong kaligayahang nadarama ko. Sana FOREVER na 'to.
''Oy Carl, bestfriend kumusta?'' saad nung isang lalaki kay Carl na papunta sa mesa namin.
''Oh, bestfriend... ikaw pala.'' gulat na saad naman ni Carl.
''Long time no see ah, kumusta nah? Pashare ng mesa ha, wala akong kasama eh.'' saad pa nung lalaki at agad na umupo sa bakanteng upuan paharap sa'min.
''Ukie lang naman ako bestfriend, ikaw kumusta na?'' saad din ni Carl.
''Ayos lang naman ako... heto masaya na rin, hehe.'' saad nung lalaki, bumaling naman sya ng tingin sa'kin. ''Bestfriend, ipakilala mo naman ako dyan sa magandang kasama mo oh.'' dagdag na saad nito.
''Ay oo nga pala, Jay... si uhmm... s-si Erika, girlfriend ko. Erika... si Jay, bestfriend ko, kaklase ko sya sa dati kong school bago ako nagtransfer dito.'' pagpapakilala ni Carl sa kaibigan nya.
''Hi. Jay Lawrence Vergara nga pala.'' saad nya sabay ngiti at lahad ng kamay nya sa'kin.
''Hello, Erika Gomez Bermundo.'' saad ko na nakangiti rin at inabot ko lang yong nakalahad nyang kamay at nagshakehands kami.
''Bestfriend ... si Sarah, naka-uwi na.'' saad ni Jay.
''Ah, ganun ba?'' walang emosyong sagot ni Carl.
''So pa'no na ngayon?'' saad ulit ni Jay. Nakikinig lang ako sa pinag-uusapan nila, habang patuloy sa pagkain.

''Kailan pa sya umuwi?'' tanong ni Carl kay Jay.
''Nung pasukan lang, magkaklase nga kami ngayon eh.'' sagot naman ni Jay.
Teka lang... sino ba yang Sarah na pinag-uusapan nila? Si SARAH Ang Munting PRINSESA? Haha, waley!
''Okey.'' saad lang ulit ni Carl.
''Sino si Sarah?'' pagsingit ko sa usapan nila.
''Ah.... eh... wala.'' saad pa ni Carl. Kita ko lang na pinanlakihan nya ng mata si Jay. Nang matapos kaming kumain, nagpa-alam lang si Jay sa amin at umalis na rin kami ni Carl sa mall na yon, tapos hinatid nya lang ako sa bahay at umuwi na rin sya.
Habang nasa higaan ako, halos di ako makatulog. Sandali... teka lang, sinong Sarah ang pinag-uusapan nila kanina? Si Sarah Geronimo ba? Oh si Sarah Labhati kaya? Sino? Ba't ayaw nyang sabihin sa'kin? May relasyon ba sila? GRRR! Nagseselos ako!

→→→→→→→→→→→→

To Be CONTINUED

facebook
comments


Bakit Ba Nagmamahal Ang Puso? - CHAPTER 6


CHAPTER [6]






WATTPAD;

@CasirayanJunrey871

TWITTER;
@CasirayanJunrey
→→→→→→→→→→→→
Uwian na nun, sabay lang kami nila Angela, Jerome at ang pinsan kong si Luke. Habang nasa gate na kami, nakita ko lang si Mark at Carl na papalapit sa'min.
''Hatid na namin kayo, may kotse akong dala.'' saad ni Mark. Nakangiti lang si Carl ng tingnan ko sya. Haixxt, ba't ba ngiti sya ng ngiti? Bakit ayaw nyang magsalita?
''Guy's una na ako, nandyan na kasi ang sundo ko eh.'' pagpapa-alam ni Angela, agad lang din syang nagwave ng kamay at umalis.
''Erika, may pupuntahan pa kami ni Jerome. Ano? Sasabay ka ba sa'min? Oh dyan ka na sa Prince Charming mo?'' tanong ng pinsan kong si Luke.
''Syempre sa Prince Charming ko, ay este... sa inyo na ako sasabay Luke.'' ayt, mukhang nadulas pa yata ako dun ah, haha.
''Sigurado ka?'' tanong pa ni Mark.
''Oo nga insan, sigurado ka ba talaga?'' natatawang saad ni Luke. Nagtawanan naman silang apat.
Aixxt, ang gagwapo ng mga kasama ko, si Jerome walang duda yong kapugian nya... pati si Mark may ma-ipagmamalakidin, yong pinsan ko sobrang gwapo rin, pero yon nga lang... gwapo rin yong hanap nya eh, haha. At si Carl, oh my G! Sobrang perfect nya sa paningin ko. Yong mga kumikinang at nangungusap nyang mata, yong matangos nyang ilong at yong mga mapupula nyang labi, ang sarap pagmasdan, ang sarap halikan. Grabe, ang sarap lang nyang yakapin! Ganito nga talaga siguro pag nagmamahal ka nuh? Kahit hindi sya perfect, yong tingin mo sa kanya is beyond perfection. Yong kahit kaliit-liitang detalye tungkol sa kanya o sa mga ginagawa nya, ay na-aappreciate mo.
Teka lang, PATAY!! Mukhang masyado na nga yatang malalim ang pagkahulog ko sa kanya. Nahinto lang ang pagpapantasya ko ng bigla akong hilahin ni Luke papunta sa kotse nya.
''Hoy Erika, natulala ka na.'' saad ni Luke.
''Anong nangyari?'' gulat na saad ko. Nagtawanan naman sila ni Jerome at pumasok sa sasakyan, agad lang din akong sumakay at na-upo sa loob ng sasakyan.
''Ano ba ang nangyari? Nasa'n na si Carl at Mark?'' nagtawanan naman ulit silang dalawa.
''Kanina pa sila nagpa-alam, umalis na sila, ikaw naman kasi... tulalang-tulala ka kay Carl, halos tumulo na nga ang laway mo eh.'' saad pa ng pinsan kong si Luke, si Jerome naman tawa lang ng tawa.
Shitt! Totoo ba? Ahh, sobrang nakakahiya! Pina-andar lang ng driver nila Luke ang sasakyan at hinatid na nila ako sa bahay.
Ilang linggo pa ang lumipas, mas naging malapit pa kami ni Carl sa isa't-isa. Mas lumalim pa ang pagkakaibigan namin. At take note; NILILIGAWAN nya na ako... ayt, akala ko pa naman kami na, hehe. Syempre, dahil isa akong maganda, birhen at walang muwang na babae, nagpapakipot muna ako nuh, haha. Ayoko ng padalos-dalos na desisyon, ayokong pumasok sa walang kasiguraduhang relasyon. Oo, di ko ma-ipagkakaila na mahal ko na sya, pero dahil nga babae ako, hmm.. pakipot na muna, haha.
Linggo nun ng pumunta ulit kami ni Carl sa park kung saan kami unang nagkita, umupo lang kami sa bench na yon sa ilalim ng isang malaking puno.
''Na-aalala mo pa ba ang mga nangyari sa lugar na'to?" tanong nya.
''Oo naman nuh, hinding-hindi ko makakalimutan yon nuh, pinagtripan mo kaya ako nun.'' tugon ko,
Aixxt... parang kailan lang nung una kaming magkita, tapos ngayon nangliligaw na sya sa'kin? At uhmm, at... hehe yes, sasagutin ko na sya. Halos mag-iisang buwan na rin syang nanliligaw sa'kn eh, kaya tama na muna ang pagpapakipot, haha. Nararamdaman ko naman na talagang seryoso sya sa'kin eh. Saka yong puso ko.. Gustong-gustong tumalon pagkasama ko sya. Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa,
maya-maya.
''Erika, mahal na mahal kita.'' seryosong saad nya nginitian ko naman sya.
''Alam ko naman yon Carl, eh.. diba nga umpisa pa lang sinabi mo na sa'kin yon.'' sagot ko.
''Yon naman pala eh.'' saad nya na may ngiti sa labi.
Yeah, NAGLILIWANAG ANG LANGIT SA MGA NGITI NYANG YON!
''Bakit ka nakangiti?'' tanong ko na lang, pero ang totoo gustong-gusto ko naman yon eh, hehe.
''Diba ito naman ang gusto mo?'' saad nya na mas lumaki pa ang ngiti sa labi. Natigilan naman ako sa sinabi nya, ano kaya ang ibig nyang sabihin dun? ''Erika, diba gustong-gusto mong nakikita akong nakangiti? Di ba nga sinabi mo pa na pag ngumingiti ako parang nagliliwanag ang buong kalangitan?'' nakangiting saad nya, para naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nyang yon. Teka, pa'no nya nalaman? Sinong nagsabi sa kanya? Wala naman akong sinabi ah? Buking na buking na yata ako, haha. Alam nya na yata na patay na patay ako sa kanya, lol.
''Ah, eh...'' nahihiyang saad ko, bistado na kasi ako eh, haha.
''So pa'no?'' saad nya na may nakakalokong ngiti.
''Anong pa'no?'' kunot noong tanong ko.
''So pa'no tayo na? Erika tayo na ba?'' saad nya, hindi naman ako naka-sagot sa tanong nyang yon, oh my G! This is it! Kami na? Kami na ba? As in KAMI? ''Silence mean's YES.'' nakangiting saad nya. Na-alimpungatan ko na lang na bigla nya na lang akong niyakap at dahan-dahang inilapit ang labi nya sa labi ko. Oh my GOD! Nagkiss kami? Agad-agad? Halos di naman ako makagalaw sa paghalik nya sa'kin, masuyo nya lang akong hinalikan na unti-unti ko rin namang sinagot. Halos hindi pa rin ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari, maya-maya dahan-dahan syang humiwalay sa paghalik nya..... ayt, nabitin ako, haha joke!
''Erika, thank you! I Love You,'' seryoso at nakangiting saad nya, nanatili naman akong tulala lang. Nagkiss kami? Sa lips? (→malamang!) hoy, Author wag kang epal pwede, ninanamnam ko pa tong moment na'to eh, wag kang 'KJ'. (→dapat nga magpasalamat ka sa'kin eh!) THANK'S Author, the best ka. AHH!! Hindi ko na kaya 'to, sobrang sarap sa pakiramdam, sobrang lambot ng labi nya... ang galing at ang sarap nyang humalik. GRABE!! Yong puso ko tumatalon! Haha, ano yon? Jumping heart? Lol! ''Tara na.'' saad pa ni Carl, ayt.. panira sya, dinadama ko pa tong moment na'to eh, hehe. Haixxt hapon na pala. Dali-dali lang kaming naglakad papuntang sakayan at hinatid nya na ako sa bahay.
Nasa bahay na ako nun, matapos akong ihatid ni Carl umuwi din sya agad, nandito kasi ang kuya ko eh, natatakot syang magpakita kay kuya, kaya hanggang gate lang sya ng bahay namin, ayaw nya na daw pumasok pa. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga nangyari, nagkiss ba talaga kami ni Carl? Ang PRINCE CHARMING KO? At KAMI na? WOAH!!!
''Hoy.'' napalingon naman ako ng marinig yong boses, si kuya pala. Nasa sala kasi ako, naka-upo lang sa sofa, dahan-dahan naman syang lumapit sa'kin at umupo rin sa sofa.''Kanina ka pa nakangiti ah? Anong meron?'' tanong ni kuya, aixxt hindi ko hahayaang sirain ni kuya ang gabi ko, ay oo nga pala... okey lang kaya kay kuya na... na, may boyfriend na ako? Magagalit kaya siya? GOD please! Author, ikaw na ang bahala.
''Ahmf, kuya... uhmm, may sasabihin ako sa'yo.'' may pag-aalangang saad ko.
Haixxt, sana okey lang sa kanya.
''Ano naman?'' tanong nya.
''Kuya... hmm, okey lang ba sa'yo kung magkaroon ako ng boyfriend?'' sambit ko, kita ko naman na kumunot yong noo nya.
''Wag mong sabihin sa'kin na... hoy Erika, umamin ka nga, may boyfriend ka na ba?'' kunot noong saad nya.
''Eh.'' ang nasambit ko na lang.
''Siya ba yong naghatid sa'yo kanina sa may gate? Anong pangalan ng gagong yun?'' marahan naman akong tumango sabay bigay ng isang tipid na ngiti. ''Pag bumalik pa dito yon, sasapakin ko talaga yon.''
''Kuya para kang tanga.'' saad ko, binatukan naman nya ako. ''Aray.'' saad ko lang. Ang OA nya nambabatok agad?
''Anong pangalan nya?''
''Carl kuya.'' tugon ko.
''Ba't di mo sya pinakilala sa'kin?''
''Eh kasi, uhmm.'' may pag-aalangang saad ko.
''Dahil baka magalit ako? Dahil baka pagbawalan kita?'' tanong nya tumango lang ako dito. ''Pag nakita ko ulit yong lalaking yon papatayin ko sya.'' seryosong saad nito.
''Kuya naman.''
''Makikita nya.'' ismid nito.

''Kuya.'' pagmamaktol ko.

."ipakilala mo s'ya sa'kin ha? Gusto ko syang makausap, yong usapang lalaki sa lalaki! Pag nalaman kong sinaktan nya ang nag-iisang prinsesa namin ni Papa, makikita nya... bubugbogin ko sya, gigilitin ko talaga ng leeg yong lalaking yon.'' seryosong saad ni kuya.
''Okey lang naman sa'yo kuya namagkaboyfriend ako diba?'' tumango-tango lang sya at ngumiti. ''Salamat kuya ha.'' saad ko pa saka sya mahigpit na niyakap. Itong kuya kong to, kahit minsan masungit sya, mahal na mahal ko to. Kahit napaka-over protective nya sa'kin, kahit madaming ipinagbabawal sa'kin at kahit lagi nya akong ina-asar, alam ko mahal nya rin ako. Alam ko na kapakanan ko lang ang ini-isip nya. Ganyan naman talaga ang magkakapatid eh, kahit minsan nagkakatampuhan, kahit nagkakapikonan na sa mga asaran, sa bandang huli mananaig pa rin ang pagiging magkapatid. Haixxt, buti na lang hindi sya tutol sa lovelife ko, hihi. Buti na lang na-iintindihan nya ako. Buti na lang at sya ang naging kuya ko. Kaya mahal na mahal ko tong kuya ko nuh. Kaming dalawa na lang ang natira ni kuya, kaya dapat walang iwanan!

→→→→→→→→→→→→


To Be CONTINUED

facebook
comments


Bakit Ba Nagmamahal Ang Puso? - CHAPTER 5

CHAPTER [5]

TWITTER;
@CasirayanJunrey

→→→→→→→→→→→→

Dumating na nga ang linggo, araw ng libing ng Dad ni Carl. Nasa loob kami ng simbahan nun, habang nagmemesa ang pari ramdam na ramdam ang lungkot sa loob ng simbahan. Magkatabi kami ni Carl at halos mamaga na ang mga mata nya sa kaka-iyak. Hindi naman kabawasan sa pagiging lalaki ang umiyak diba? Masakit yong nangyari sa kanya eh. Kaya na-iintindihan at nararamdaman ko ang pighating dinadala nya.
''Erika, salamat ha... dahil nandito ka, kahit papa'no nababawasan ang lungkot ko at nagkakaroon ako ng lakas ng loob.'' mahabang saad nya.
''Ayos lang Carl, ganun naman talaga ang magkaibigan ehh. NAGDADAMAYAN, sa lungkot man o saya magkasamang lumalaban.'' sambit ko.
''Alam mo ang swerte mo Erika, kasi..... ikaw, nasabi mo sa papa mo na mahal na mahal mo sya. Ako kasi, di ko man lang sya nakaka-usap ng ma-ayos eh, di ko man lang na-ipadama sa Dad ko na mahalaga sya sa'kin. Sobra akong nagsisisi ngayon, dati kasi, pasaway ako, lagi kong sinusuway yong mga utos nya. Puro sakit ng ulo lang yong naibibigay ko sa kanya.'' mangiyak-ngiyak na saad nya.
''Wag ka ng umiyak ,Carl.''
''Hindi ko lang mapigilan eh.'' tugon nya. Maya-maya pinahid nya ang mga luha nya at pumunta sa harapan at nagsalita gamit ang mikropono dun.
''I'll just wanted to say thank's to my Dad. For all those beautiful moment's. I will never forget all these! Hmm, thank you Dad for the memories and the thing's we've shared. I will keep all these in my heart. I will treasure and cherish it. I'm sorry Dad for all the misunderstanding's. I know you're happy now... in Heaven, with GOD! You may rest in peace. We will miss you Dad, I Love You.'' na-iiyak na saad nya.
Ramdam ko talaga ang lungkot sa kanyang mga mata habang nagsasalita sya, yong sakit na nararamdaman nya, damang-dama ko rin. Pagkatapos nun, akala ko talaga babalik na sya sa pwesto nya, pero may gagawin pa pala sya.
''I'll just want to dedicate this song to my beloved Dad.'' saad nya, habang pahid-pahid ang luha. At yon nga, nagsimula na syang kumanta sa loob ng simbahan.

♫♪ '' 'Mahal Kita Aking Ama' - LYRICS'' ♪♪
By; @CasirayanJunrey
VERSE 1;

♫ Heto na ako ngayon, unti-unting nakakabangon! ♫♪
♪ Tuluyan ng nakakalimot sa sugat ng kahapon!♫
♪ Kaya ko ng ngumiti at tumawa ngayon!♪♫
♫ Sa kabila ng lahat ng mga luha ko noon ♪♫♫
VERSE 2;

♫Ayoko ng balikan pa ang kahapong lumipas na. ♪♪
♫ Ngayon haharapin ko ang panibagong simula! ♫♪
♪ Kahit papa'no may natutunan din naman ako sa'yo! ♫♫
♪ Dahil sa paglisan mo, mas tumibay ang puso ko! ♪♫
CHORUS;

♫ Oh aking Ama, sana'y mapatawad pa. ♪♪
♫ Di ko na-ipadama na ika'y mahalaga! ♫♪
♫ Nagsisisi na hinayaang magkawalay pa! ♫♪♪
♫ Nanghihinayang na di ko nasabing MAHAL na MAHAL kita! ♫♪
VERSE 3;

♪ Siguro nga sa paglisan mo nadurog ang puso ko! ♫♫
♪ Pero ngayon susubukan kong buo-in muli ang sarili ko. ♪♫♫
♫ Nagpapasalamat ako sa mga ala-alang iniwan mo.♫♪♪
♫ Pasensya na kung minsan naging pasaway ako! ♫♪
CHORUS;

♪ Oh aking Ama, sana'y mapatawad pa! ♫♫♪
♪ Di ko na-ipadama na ika'y mahalaga. ♫
♫ Nagsisisi na hinayaang magkawalay pa! ♪♪♫
♫ Nanghihinayang na di ko nasabing MAHAL na MAHAL kita! ♪♪
BRIDGE;

♫ Inaamin ko hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako! ♫♪
♫ Pero sa kabila nito mas naging matatag ako. ♫♪♪
♪ Salamat dahil ikaw ang naging Ama ko! ♫♫
♪ Salamat sa'yo at sa pagmamahal mo ♫♫♪
CHORUS;

♪ Oh aking Ama, sana'y mapatawad pa! ♪♫
♫ Di ko na-ipadama na ika'y mahalaga. ♪♪♫
♫ Nagsisisi na hinayaang magkawalay pa. ♪♪
♫ Nanghihinayang na di ko nasabing MAHAL na MAHAL kita! ♫♪

♪ Ngayong wala ka na, babaonin ko ang mga ala-ala mo. ♫♫
MAHAL KITA AKING AMA, sana'y naririnig mo! ♫♪
Halos nabalot ng katahimikan ang buong simbahan, tanging boses lang ni Carl ang maririnig.
Umiiyak sya habang kumakanta. Nadala ako sa lyrics ng kinanta nya, kaya di ko na rin napigilan ang sarili kong lumuha. May ilan ding nasa loob ng simbahan na napaluha rin sa pagkanta ni Carl. Grabe, maganda pala yong boses nya. Ang swerte ko pala, kasi kahit wala na si papa... nasabi ko sa kanya na mahal ko sya noong nabubuhay pa sya, kahit papa'no na-iparamdam ko na mahalaga sya sa'kin. Siguro nga hindi nasabi ni Carl na mahal nya ang Dad nya noong buhay pa ito. Pero ngayon, nararamdaman at nakikita ko kung gaano ito ka-importante sa kanya. Siguro nga huli na ang lahat, dahil wala na ito at hindi na nya makaka-usap pa, ngunit alam ko na ngayon na nagsisisi na sya. Ganun naman talaga minsan diba? Saka lang natin malalaman ang halaga ng isang tao pag wala na ito.
Tulad ko, nung di na ako pinapansin ni Carl, saka ko lang na-isip na may puwang na pala sya sa puso ko. Ayt, mahal ko ba sya? Mahal ko na ba sya?
Ah, basta! Sa mga nangyari sa kanya ngayon mas lalo ko pa syang hinangaan. Mas lalong lumaki ang puwang nya sa puso ko. Matapos yon, inihatid na namin ang mga labi ng Dad ni Carl sa kanyang huling hantungan. At dumeretso lang kami sa bahay nila. Pinakilala nya lang ako sa Mom nya at sabay-sabay kaming kumain. Pagkatapos, hinatid nya lang ulit ako sa bahay at nagpa-alam.
Kina-umagahan... hmm, syempre sobrang excited ako, lunes na kasi, kaya... magkikita na naman kami ng Prince Charming ko, haha. Excited akong makita ulit ang mga ngiti sa labi nya. Panigurado magliliwanag na naman ang kalangitan, yeah... Lol.
Pagkarating ko sa school, dali-dali lang akong pumunta sa library at ng hiram ng libro, matapos yon dumeretso na ako sa classroom. Na-abutan ko lang si Carl sa may pinto na may abot tengang ngiti sa labi. Sabi ko na nga ba eh, nagliwanag nga talaga ang buong kalangitan, hehe.
''Good morning.'' ngiti nito.
''Good morning din.'' tugon ko sabay ngiti rin. Sabay lang kaming pumasok at umupo. ''Okey ka na?'' saad ko, marahan naman syang tumango.
''Salamat sa'yo.'' nakangiting saad nya, nginitian ko din naman sya. Nag-umpisa lang yong klase namin, kaya di na kami masyadong nagka-usap ni Carl. Nang matapos ang klase... sabay-sabay lang kaming naglunch nila Carl, Angela at Mark. Kaming apat lang, double date kumbaga, haha.
Katahimikan....isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa mesang yon habang kumakain kaming apat. Ewan ko ba bakit ayaw naming magsipagsalita,siguro na-iilang lang kaming apat, syempre parang nagdouble date na rin kami nun eh, haha. Maya-maya binasag lang ni Angela ang katahimikang bumalot sa amin.
''Erika, nagka-ayos na ba yong pinsan mong si Luke at si Jerome?'' tanong ni Angela.
''Oo daw, bakit? Hindi ba kayo nagtetext ng pinsan ko o kaya ni Jerome?'' umiling-iling lang sya.
''Hoy Carl, ba't ang tahimik mo dyan? Ka-usapin mo naman si Erika oh. Alam mo naman yang kaibigan ko, sobrang patay na pat→.'' pinandilatan ko lang si Angela ng mga mata dahilan sa paghito nya sa pagsasalita. Magkatabi kasi kami ni Carl at katabi naman ni Mark si Angela kaya nasa harapan ko si Angela. Ako patay na patay kay Carl? Ah... eh, uhmm, mukhang ibubuking pa yata ako ng babaeng to ah, haha, buti na lang naputol ko yong huli nyang sasabihin. Kita ko naman na napangiti si Carl, pero hindi pa rin nagsasalita. Iniba ko naman yong topic namin.
''Uhmm, Mark may kakilala ka bang Marian?'' tanong ko, magka-apelyido kasi sila nung Marian na kinikwento sa'kin ni Kuya eh. Baka lang naman magkamag-anak sila.
''May Ate akong Marian ang pangalan.'' sagot nya.
''Ah.'' patango-tangong saad ko, so kapatid nya pala yong crush ni Kuya.
Nilingon ko naman si Carl, nakatitig pala sya sa'kin. Ba't di sya nagsasalita? Na-ubos na rin kaya ang english sa utak nya? Haha, o baka naman.... hindi lang sya nagsipilyo? Hehe. Pinagmamasdan nya lang yong bata, makinis at fresh kung mukha, ayeah.... kapal ko! Haha.

→→→→→→→→→→→→


To Be CONTINUED

facebook
comments