→→→→→→→→→→→→
Natapos ang buong linggong yon, ngunit dinidedma ko pa rin si Carl, ''Magsasawa din yon.'' Sa sarili ko lang. Mapapagod din yong kumag na 'yon. Siguro nga kahit papa'no may puwang na sya dito sa puso ko, pero HELLO as in HELLO, masyado pa kaming bata nuh, saka masyado pang ma-aga, ni wala pa ngang isang buwan na magkakilala kami eh. At pa'no nga kong pinagtritripan nya lang talaga ako? Ayokong umasa nuh, ayokong masaktan! Kaya tama na sigurong hanggang crush lang muna. Ayt, crush ko ba sya? Haha, siguro nga... kasi pagnakikita ko sya I feel safe. Opp's PAG-AARAL muna ang atupagin bago ang LANDI, haha. Lol!
Sabado ng gabi nun, nasa labas ako ng gate namin. Naka-upo lang ako sa may damuhan, hinihintay ko kasi si kuya... may pasok kasi sya tuwing saturday eh. Kaya ako lang mag-isa sa bahay, kaya tumambay na lang muna ako sa labas, saka ano namang gagawin ko sa loob ng bahay? Buti pa dito sa labas malaya kung mapagmamasdan ang kalangitan at ang mga nagkikislapang bituin, at kahit papa'no may makikita akong mga taong dumadaan. Bigla ko na lang na-alala ang mga nangyari sa'kin nitong mga nakaraang araw, haixxt! Natatawa ako sa mga ala-alang yon grabe. Carl, Carl..... Carl, opp'ss, bakit puro Carl ang laman ng isip ko? Oh, shitt!! Inlove na ba ako sa kanya? Grabe, yong mga ngiti nya, di na talaga mabura sa isipan ko.
Ahhhhh, siguro nga inlove na talaga ako sa kanya. Pero PAKSHETT! Ang pangit ng unang pagkikita namin. Bwesit siya, pina-iyak nya talaga ako nun. Pero hindi ko rin talaga mapigilang matawa, haha. Siguro kung totoong killer or hold-upper sya, aixtt malamang patay na ako ngayon, haha. Nakaka-awa naman sya, pansinin ko na kaya siya? Haixxt, baka pagtripan lang nya ako. Uhmm, seryoso kaya talaga sya sa mga sinabi nya sa'kin? May gusto nga kaya sya sa'kin? WAHH! Grabe, hanggang ngayon kinikilig pa rin ako! Nagpapakipot lang naman ako eh, haha, feeling demure lang ako. Pero hmmm, sige na nga, hindi ko na sya tatarayan. Kakaibiganin ko na sya PROMISE!! Kaka-usapin ko na talaga sya ng ma-ayos.
Yes, tapos na ang weekend. Kaya balik na ulit sa dati, kailangang gumising ng ma-aga. Nang makarating ako ng pa-aaralan, agad lang akong pumunta sa classroom ko at na-upo sa upuan ko. Nagtaka lang ako, dahil halos mag-uumpisa na ang klase wala pa rin si Carl. At natapos na nga ang buong klase, ngunit walang Carl na sumipot. Ano kaya nagyari sa kumag na 'yon? Kung kailan papansinin ko na sana sya at makikipagkaibigan na ako sa kanya, hindi naman sya pumasok ng klase. ''Ah, baka bukas, siguro papasok na yon.'' saad ko sa sarili.
Ngunit kinabukasan, wala paring kahit man lang anino ni Carl ang nagpakita sa klase. Syempre nababahala na ako, haha, ayt hindi nga pala kami, hehe... ang OA ko. Baka nagbigti na yon dahil di ko sya pinapansin? Haha, joke lang! Pero ano nga kaya ang nangyari sa kanya? Sana naman pumasok na sya bukas. Please Author papasukin mo na sya, hehe.
Matapos ang dalawang araw na absent ni Carl, sa wakas pumasok na rin sya. Sa wakas makikita ko na rin ulit ang mga ngiti nya, sobrang namiss ko yon. Yong mga ngiti nyang nagpapaliwanag sa buong kalangitan. Ngunit sa di ina-asahang pagkakataon... hindi na nya ako pinansin pa.
''Good morning, Carl.'' saad ko sa kanya ng umupo na sya sa tabi ko. At yon nga, nilingon nya lang ako at nag-iba nga tingin. Ano kayang nakain nya? Galit ba sya sa'kin? May problema kaya sya? Parang napakalalim ng ini-isip nya.
Mukhang nagsawa na nga sya sa'kin. Natapos lang ang buong araw, ngunit hindi nya parin ako in-imik, dedma ang beauty ko, haha. Hanggang sa pagdating ng bukas ganun pa rin ang sinary namin, hindi nya pa rin talaga ako pinapansin. Ayt, mukhang bumaliktad na nga yata ang mundo, parang kailan lang sya ang laging nangungulit sa'kin, siya yong lapit ng lapit sakin. Tapos ngayon... parang ako na ang naghahabol sa kanya. Ano kaya ang problema nya?
Biyernes ng umaga sing-bilis pa nang alas kwato, gising na ako. Pinag-isipan ko talaga to ng mabuti kagabi... tatanungin ko si Carl kung anong problema nya, kaka-usapin ko sya at sasabihin kong napatawad ko na sya, parang ang OA ko naman masyado kung hindi ko sya papatawarin diba? Mukha kasing may dinadala syang mabigat na problema, baka nakadagdag pa ako sa kanya. Kaya naman, umaga pa lang hinintay ko talaga syang dumating sa klase, ngunit nadismaya lang ako dahil hindi na naman sya pumasok.
''Angela, alam mo ba kung bakit di pumasok si Carl?'' tanong ko kay angela.
''Uy, Erika ha... baka iba na yan.'' pang-aasar nya.
''Angela seryoso ako, alam mo ba?''
''Lalala, kapag tumibok ang puso... wala ka ng magagawa kundi sundin ito.'' kanta pa nya.
''Angela ano ba?'' napipikon na saad ko.
''Di ko alam eh, hindi naman kami ganun ka close ng Carl na yon nuh.'' tugon nya. ''Erika, mukhang nahulog ka na talaga sa kanya ah.'' dagdag pa nito.
''Baliw.'' saad ko na lang, teka? Pano kung nahulog na nga talaga ako sa kumag na yon? Sasaluhin kaya nya ako? Pano kung hindi? Pano kung masyado ng malalim ang pagkahulog ko? Pano kung di na ako maka-ahon? Paano kung simula't sapul pa lang pinagtritripan lang talaga ako ng Carl na yon? Shett!! Nalintikan na, ayokong umasa at masaktan. ''So' di mo talaga alam kung bakit di sya pumasok?'' tanong ko ulit, umiling-iling naman si Angela.
''Ehem...'' napalingon naman kami ni Angela sa likuran namin ng marinig yong boses na yon, yong kaklase pala naming si Mark Alcantara. ''Ako alam ko.'' saad pa nya na nakangiti, syet kanina pa ba sya sa likuran namin? Narinig ba nya lahat ng pinag-usapan namin ni Angela? Mukhang narinig nya nga... Haixx!
''Di ba magkasama kayo lagi ni Carl? Ka-ano ano mo sya? Kumusta na sya? May problema ba sya? Bakit di sya pumasok ngayon?'' sunod-sunod na tanong ko.
''Opp'ss, isa-isa lang.'' saad nya. ''Pinsan ko nga pala si Carl, at oo may problema nga sya kaya madalang lang sya kung pumasok.'' saad ni Mark.
''Ah, so... anong problema nya?'' tanong ko, kita ko naman na napapangiti si Angela at agad na umalis na may pakanta-kanta pa.
''ADIK SA'YO... hinahanap-hanap kita, hinahanap hanap kita.. Yeah!'' natatawang pagkanta ni Angela. Epal din tong babaeng to eh, haha. Napansin ko naman si Mark na natatawa na rin dahil sa pagkanta ni Angela, ayt mukhang pinagkaka-isahan yata nila ako, haha.
At yon na nga, sinabi sa'kin ni Mark kung ano ba talaga ang problema ng pinsan nya. Nalaman ko na, uhmm... namatay pala ang Dad ni Carl nitong Linggo lang, kawawa naman pala siya. Kaya pala parang wala sya sa sarili nya, palaging tulala at napakalalim ang ini-isp.
Syempre, alam ko kung gaano kasakit mawalan ng isang ama nuh. Kasi, ako... nawalan na rin! Kaya alam ko kung ano ang nararamdaman ngayon ni Carl. Alam na alam ko yong pakiramdam na mawalan ng isang ama. Yong feeling na parang dinudurog yong puso mo, alam ko yon. At sobrang sakit nun!
Ma-agang natapos ang klase namin ng araw na yon. 2pm palang pa-uwi na sana ako nun, ngunit na-isipan kong dumaan muna sa park na malapit lang naman, haixtt, yong park na yon. Yong park kung saan ko unang nakilala ang Prince Charming ko, naks! Nang makarating na ako dun, pupunta na sana ako sa bench na yon na nasa ilalim ng isang malaking puno. Pero malayo pa lang ako nakita ko na agad sya.... nandun pala si Carl, naka-upo lang at nasa malayo ang tingin, nakatalikod sya sa'kin.
Grabe parang ang seryoso nya, parang sobrang lalim ng ini-isip nya. Parang lumilipad yong pag-iisip nya. At dahil nga halos nasa ibang dimensyon ang utak nya, hindi nya napansin ang paglapit ko. Agad ko lang kinuha ang ballpen sa bag ko at umupo sa tabi nya. Tumingin naman sya, para malaman kung sino ang tumabi sa kanya. At ng magtama ang aming paningin, napansin ko lang yong mga namuong luha sa gilid ng mga mata nito. Dali-dali naman nyang pinahid ang mga luhang unti-unti ng pupamatak. Siguro di nya na napigilan ang sarili, kaya tumulo na talaga ang mga luha nya. Syempre, sobrang pagka-awa ang naramdaman ko sa kanya. Nang matapos syang magpahid ng mga luha, magsasalita na sana sya ngunit bigla kong itinutok sa tagiliran nya ang hawak kong ballpen, at ginaya ang sinabi nya sa'kin dati.
''Give me what you have on your pocket or I will bury this damn ice pick into your flesh.'' seryosong saad ko. Ice pick yong sinabi ko pero ballpen yong hawak ko, haha. Nakita ko naman na napangiti sya at napatawa. WOAHH! Nagliliwanag ang langit! Di ko na rin napigilan ang sarili ko kaya natawa na rin ako.
Maya-maya, ''Kumusta na?'' tanong ko na lang.
Natigilan naman sya sa kakatawa at sumeryoso ang mukha nya.
''Uhmm, eto... hindi ok.'' sagot nya.
''Na-iintindihan kita Carl. Alam ko kung ga'no kasakit yong nararamdaman mo ngayon. Iiyak mo lang yan, para naman mabawasan yang bigat na dinadala mo.'' seryosong sambit ko.
Nagsimula naman magbagsakan ang mga luha nya.
''Ang sakit lang eh.'' na-iiyak na saad nya, aixxt... kahit umiiyak sya ang gwapo nya pa rin.
''Ganyan talaga Carl, lahat ng taong nabubuhay sa mundo may hangganan. Walang permanenti, nung namatay nga yong papa ko halos di ko rin matanggap eh, pero sa paglipas ng mga araw, unti-unti ko rin itong natanggap, niyakap ko na lang ang katotohanan na talagang wala na sya. Kaya ikaw Carl, matatanggap mo rin yan, maybe not now, or maybe not tommorrow but eventually. Ganun naman talaga... una-unahan lang yan. Sabi nga ni Kuya Kim Atienza, ANG BUHAY AY WEATHER WEATHER LANG!''
''Erika, pano mo nalaman na... uhmm, na wala na yong Dad ko?''
''Sinabi kasi sa'kin ni Mark,di ba pinsan mo sya?'' tumango naman sya.
''Salamat ha, kasi nandito ka, kasi dinamayan mo ako.''
''Wala yon Carl, saka napatawad na kita.'' nakangiting saad ko.
''Talaga?'' tanong nito, tumango-tango lang ako sa kanya. ''So pwede na ba tayong maging magkaibigan?'' tanong pa nya.
''Oo naman.'' ngingiti-ngiting saad ko, ngumiti lang din sya. Yeah, ayan na naman sya sa mga ngiti nyang yan, nakaka-adik talaga, haha.
''Salamat talaga Erika.''
''Carl, I know you need a friend now, that's why I'm here. I can offer my shoulder for you to cry on.''
''WOW, mas magaling ka pa palang mag-english kesa sa'kin.'' pagbibiro nya sabay tawa.
''Oh diba napatawa kita, kahit wrong grammar pa ang pag-ienglish ko atleast, napatawa kita.'' nagtawanan naman kaming dalawa.
Marami-rami rin kaming napag-usapan ni Carl, mga kanya-kanyang kwento sa buhay. May dalawa pala syang kapatid sa Ama, Grae at Jason daw ang pangalan. May second family pala yong Dad nya. At nakwento ko rin sa kanya yong about sa mama ko, na... yon nga, sumama sa lalaki nya at iniwan kami n kuya. Dun na nagsimula ang friendship namin ni Carl. Niyaya nya rin ako na dumalo sa libing ng Dad nya ngayong darating na Linggo. Pumayag naman ako at dahil hiningi nya ang cp number ko, binigay ko na rin ito sa kanya. Ayoko na rin kasing magpakipot pa, haha joke!
''Kaano-ano mo nga pala yong naghatid sa'yo nung nakaraan?'' tanong nya.
''Huh?'' nalilitong saad ko.
''Yong sumakay ka sa sasakyan nya.'' saad nya rin.
''Ah pinsan ko yon.'' tugon ko.
''Akala ko boyfriend mo yon, alam mo nagselos ako nun.'' woah, kinikilig ako, seloso pala tong kumag na'to, hindi pa nga kami eh, haha.
''Ba't ka nagseselos hindi naman tayo ah?'' saad ko.
''Hindi PA! nakangiting saad nya.
''Loko-loko.'' sambit ko na lang.
''Erika, seryoso ako dun sa mga sinabi ko sa'yo last time.'' saad lang nya, napangiti naman ako.
Natigilan lang kami ng biglang pumatak ang malakas na ulan. Haixxt, buti na lang may dala-dala akong payong, grabe ng tingnan ko yong cp ko 4pm na pala, grabe mukhang napasarap ang kwentuhan namin.
''Tara uwi na tayo, sukob ka na lang sa payong ko.'' saad ko, at naglakad na nga kami papuntang sakayan. Ng makarating kami dun, nagpa-alam lang kami sa isa't-isa. Haha, para tuloy kaming magsyota, lol! Sumakay lang kami sa magka-ibang tricycle, iba kasi yong rota nya eh. Narinig ko pa ang sigaw nya bago umalis ang sinasakyan nya.
''Erika, sa linggo ha, susunduin kita.. text2x na lang.'' sigaw nya pa, at dahil umandar na nga yong sinasakyan nyang tricycle, nagtext na lang ako sa kanya.
''Sige, Carl.'' saad ko sa text. Ilang minuto pa ang itinakbo ng sinasakyan kong tricycle at naka-uwi na nga ako sa bahay. As usual, marami lang akong ginawa pagdating sa bahay at natulog na.
→→→→→→→→→→→→


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento